26.The Poets

  1. Ta, Sin, Mim (mga titik Ta, Sa, Ma)
  2. Ito ang mga Talata ng lantad na Aklat (ang Qur’an na ipinangako ni Allah sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, upang ang mga bagay ay maging maliwanag
  3. Maaaring ikaw (o Muhammad) ay magtangka na pumatay sa iyong sarili ng may kapighatian, sa dahilang sila ay hindi sumampalataya sa iyong pagka-Propeta at sa iyong Mensahe (ng Kaisahan ni Allah at ng Islam)
  4. Kung Aming naisin, ay Aming maipapanaog sa kanila mula sa kalangitan ang isang tanda, at dahil dito, ay iyuyuko nila ang kanilang leeg sa kapakumbabaan
  5. Datapuwa’t wala pang bagong kapahayagan mula sa Pinakamapagpala (Allah) ang dumating sa kanila nang hindi nila tinalikuran
  6. Kaya’t katotohanang itinakwil nila (ang Katotohanan, ang Qur’an), at ang balita nang kanilang tinutuya ay sasapit sa kanila
  7. Hindi baga nila namamasdan ang kalupaan, - kung gaano karami ang lahat ng uri ng mabuting pananim na Aming pinatubo rito
  8. Katotohanang naririto ang Ayah (Katibayan o Tanda), datapuwa’t ang karamihan sa kanila (mga pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, atbp., na hindi nananalig sa Muling Pagkabuhay) ay hindi sumasampalataya
  9. At katotohanan ang inyong Panginoon! Siya ang tunay na Pinakamakapang-yarihan, ang Pinakamaawain
  10. At (alalahanin) nang ang iyong Panginoon ay tumawag kay Moises (na nagsa-sabi): “Pumaroon ka sa mga tao na Zalimun (buktot, buhong, pagano, atbp)
  11. Sa mga tao ni Paraon. Hindi baga nila pangangambahan si Allah at magiging matuwid sa kabutihan?”
  12. Siya (Moises) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Ako ay nangangamba na ako ay kanilang pasisinungalingan
  13. Ang aking dibdib ay naninikip, at ang aking dila ay naninigas (at hindi makakapangusap), kaya’t suguin ninyo si Aaron (na sumama sa akin)
  14. “At sila ay may paratang na krimen laban sa akin, at ako ay nangangamba na ako ay kanilang papatayin.”
  15. Si Allah ay nagwika: “Hindi! Kayo ay kapwa pumaroon doonnamaydalangmgaTanda mulasaAmin. Katotohanang Kami ay nasa sa inyo at nakikinig.”
  16. “At kung kayo ay kapwa dumating na kay Paraon, inyong ipahayag: “Kami ay mga Tagapagbalita ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang
  17. “Kaya’t hayaan (mong) ang Angkan ng Israel ay sumama sa amin.”
  18. (Si Paraon) ay nagsabi (kay Moises): “Hindi baga ikaw ay pinalaki namin bilang aming anak? At ikaw ay namuhay sa amin sa maraming taon ng iyong buhay
  19. At ikaw ay gumawa ng isang gawa (na batid mong) ikaw ang may gawa (alalaong baga, ang krimen nang pagpatay sa isang tao). At ikaw ay isa sa mga walang utang na loob.”
  20. Si Moises ay nagsabi: “Nagawa ko yaon nang ako ay wala pang muwang (sa mga pag-uutos at mensahe ng aking Panginoon)
  21. “Kaya’t ako ay tumakas sa iyo nang ako ay matakot sa iyo. Datapuwa’t ang aking Panginoon ay nagkaloob sa akin ng Hukman (alalaong baga, ng karunungang pangrelihiyon, kaalaman, tamang paghatol, pagka-Propeta) at Kanyang hinirang ako bilang isa sa mga Tagapagbalita
  22. At ito ang nakaraang pabor (utang na loob) na tinutunton mo sa akin, - na iyong inalipin ang Angkan ng Israel.”
  23. Si Paraon ay nagsabi: “At sino ang Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)?”
  24. Si Moises ay nagpahayag: “(Siya) ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, kung ikaw ay naghahanap ng katiyakan upang mahikayat.”
  25. Si Paraon ay nagsabi sa mga naroroon: “Hindi baga ninyo narinig (ang kanyang sinabi)
  26. Si Moises ay nagsabi: “(Siya) ang iyong Panginoon at Panginoon ng iyong mga ninuno!”
  27. Si Paraon ay nagsabi: “Katotohanan, ang inyong Tagapagbalita na isinugo sa inyo ay isang nasisiraan ng bait!”
  28. Si Moises ay nagsabi: “(Siya) ang Panginoon ng Silangan at Kanluran, at lahat ng nasa pagitan nito, kung inyo lamang nauunawaan!”
  29. Si Paraon ay nagsabi: “Kung ikaw ay pipili ng ilah (diyos) na iba pa sa akin, katiyakang ipipiit kita na kasama ng ibang mga bilanggo.”
  30. Si Moises ay nagsabi: “Kahit na dalhin ko sa iyo ang isang bagay na maliwanag (at nakakahikayat)?”
  31. Si Paraon ay nagsabi: “Kung gayon, dalhin mo yaon dito, kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan!”
  32. Kaya’t inihagis (ni Moises) ang kanyang tungkod, at pagmasdan, ito ay isang ahas na naglulumantad
  33. At inilabas niya ang kanyang kamay, at pagmasdan, ito ay naging ganap na kaputian sa mga nakakamasid
  34. Si (Paraon) ay nagsabi sa mga pinuno sa paligid niya: “Katotohanan! Ito ay walang pagsala na isang bihasang manggagaway (o salamangkero)
  35. Ibig niyang itaboy kayo sa inyong lupain sa pamamagitan ng kanyang pangga-gaway, kaya’t ano ang inyong maipapayo, at ano ang inyong maipag-uutos?”
  36. Sila ay nagsabi: “Pigilan mo siya at ang kanyang kapatid (nang pansamantala), at magpadala ka ng mga tagatawag sa mga lungsod
  37. Upang dalhin sa iyo ang lahat ng magagaling na manggagaway.”
  38. Kaya’t ang mga manggagaway ay inihanay na lahat sa takdang araw at oras na itinalaga
  39. At ipinagbadya sa mga tao: “Kayo rin ba ay magsisihanay
  40. Upang ating masundan ang mga manggagaway (na kapanalig ni Paraon sa kanyang relihiyon ng kawalang paniniwala), kung sila ay magtatagumpay.”
  41. Kaya’t nang ang mga manggaway ay dumating, sila ay nagsabi kay Paraon: “Mayroon bang tiyak na gantimpala na aming tatamuhin kung kami ay manalo?”
  42. Siya ay nagsabi: “oo, at kayo ay katiyakan na mapapabilang sa mga malalapit (sa akin).”
  43. Si Moises ay nagsabi sa kanila: “Ihagis ninyo kung ano ang gusto ninyong ihagis!”
  44. Kaya’t inihagis nila ang kanilang mga lubid at kanilang mga tungkod, at nagsabi: “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Paraon, kami ang siyang tunay na magtatagumpay!”
  45. Nang magkagayon, ay inihagis ni Moises ang kanyang tungkod, at pagmasdan, nilagom nitong lahat ang mga kabulaanan na kanilang ipinamalas
  46. At ang mga manggagaway ay lumugmok na nagpapatirapa
  47. Na nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
  48. Ang Panginoon ni Moises at Aaron.”
  49. Si (Paraon) ay nagsabi: “Kayo ay naniwala na sa kanya bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot. Katotohanang siya ay inyong pinuno, na nagturo sa inyo ng salamangka! Kaya’t katotohanang mapag-aalaman ninyo. Katotohanang aking puputulin ang inyong mga kamay at paa sa magkabilang panig, at kayong lahat ay aking pahihirapan (ititirik sa krus).”
  50. Sila ay nagsabi: “walang kapinsalaan! Katotohanang sa aming Panginoon (Allah), kaming lahat ay magbabalik
  51. Katotohanan! Kami ay lubusang umaasa na ang aming Panginoon ay magpapatawad ng aming mga kasalanan, sapagkat kami ang una sa mga sumasampalataya (sa pagka-Propeta ni Moises at sa ipinahayag sa kanya ni Allah).”
  52. At binigyang inspirasyon Namin si Moises na nagsasabi: “Kaunin mo ang Aking mga alipin sa gabi, katotohanang kayo ay tutugisin.”
  53. Nang magkagayon, si Paraon ay nagpadala ng mga tagatawag sa mga lungsod
  54. (Na nagsasabi): “Katotohanang sila ay isa lamang maliit na lipon
  55. At katotohanang sila ay gumawa ng bagay na nakapagbigay poot sa atin
  56. Datapuwa’t tayo ay mga nananahan dito na nakahanda at ganap na napasa-bihan.”
  57. Kaya’t Aming itinaboy sila mula sa mga halamanan at dalisdis
  58. Sa mga kayamanan at sa lahat ng uri ng marangal na lugar
  59. Kaya’t (itinaboy Namin ang mga tao ni Paraon) at hinayaan Namin ang Angkan ng Israel ang humalili (o magmana) sa kanila
  60. Kaya’t kanilang tinugis sila sa sandali nang pagsikat ng araw
  61. At nang ang dalawang pangkat ay magtagpo sa isa’t isa, ang pamayanan ni Moises ay nagsabi: “Katiyakang tayo ay kanilang malulupig.”
  62. Si (Moises) ay sumagot: “Hindi, katotohanan! Nasa panig ko ang aking Panginoon, ako ay Kanyang papatnubayan.”
  63. At binigyang inspirasyon Namin si Moises (at sa kanya ay winika): “Hampasin mo ng iyong tungkod ang dagat.” At ito ay nahati, at ang bawat gilid ng (tubig-dagat) ay naging malaki at matibay na anyo ng bundok
  64. At makaraaan, hinayaan Naming ang mga iba (sa pangkat ni Paraon) ay sumapit sa lugar na yaon
  65. At iniligtas Namin si Moises at ang lahat ng kasama niya
  66. At Aming nilunod ang mga iba (ang pangkat ni Paraon)
  67. Katotohanan! Katiyakang naririto ang isang Tanda (o isang Katibayan), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya
  68. At katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya lamang ang tunay na Pinakama- kapangyarihan, ang Pinakamaawain
  69. At isalaysay mo sa kanila ang kasaysayan ni Abraham
  70. Nang sabihin niya sa kanyang ama at sa kanyang mga tao: “Ano baga ang inyong sinasamba?”
  71. Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasamba sa mga imahen, at sa kanila kami ay lagi nang matimtiman.”
  72. Siya (Abraham) ay nagsabi: “Kayo ba ay naririnig nila, kung kayo ay tumatawag (sa kanila)
  73. o sila ba ay nagbibigay ng kapakinabangan sa inyo o pinipinsala nila (kayo)?”
  74. Sila ay nagsabi: “Hindi, nguni’t nakagisnan na namin ang aming mga ninuno na gumagawa ng ganito.”
  75. Siya(Abraham) aynagsabi:“Nagmamasidbakayosamga bagay na inyong sinasamba?”
  76. “Kayo, at ang inyong mga ninuno noon pa sa panahong sinauna?”
  77. Katotohanan! Sila ay aking mga kaaway, maliban sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
  78. Na lumikha sa akin, at Siya na Tanging namamatnubay sa akin
  79. At Siya ang nagpapakain at nagbibigay sa akin ng inumin
  80. At kung ako ay maysakit, Siya ang nagbibigay lunas sa akin
  81. At Siya ang maggagawad sa akin ng kamatayan, at Siya rin ang magbabangon sa akin sa (muling) pagkabuhay
  82. At sa Kanya, ako ay nanalig na (Siya ay) magpapatawad ng aking mga kamalian sa Araw ng Kabayaran, (ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
  83. Aking Panginoon! Inyong gawaran ako ng Hukman (alalaong baga, karunungang pangrelihiyon, kaalaman, pagka-Propeta), at ako ay Inyong ibilang sa mga matutuwid
  84. At Inyongpagkaloobanakongkarangal-rangalnabanggit sa mga darating na sali’t saling lahi
  85. At Inyong gawin ako na isa sa mga tagapagmana ng Paraiso ng Kasiyahan
  86. At patawarin Ninyo ang aking ama, katotohanang siya ay isa sa mga nalilihis (ng landas)
  87. At ako ay huwag Ninyong alisan ng biyaya sa Araw (na ang lahat ng mga nilikha) ay muling ibabangon (sa pagkabuhay)
  88. Sa Araw na ang kayamanan o maging mga anak (na lalaki) ay hindi makaka-panaig
  89. Maliban sa kanya na magdadala kay Allah ng isang malinis na puso (malinis sa pagsamba sa mga diyus-diyosan [shirk] at kapaimbabawan [Nifaq]).”
  90. At ang Paraiso ay itatambad nang malapit sa Muttaqun (mga mabubuti, banal at matutuwid na tao na higit na nangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal, at labis na nagmamahal kay Allah sa pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos)
  91. At ang Apoy (Impiyerno) ay ilalantad nang ganap sa paningin ng mga makasalanan
  92. At sa kanila ay ipagbabadya:“Nasaansila(mgadiyus-diyosannaitinatambal nila bilang karibal ni Allah) na lagi ninyong sinasamba
  93. Maliban pa kay Allah? Sila ba ay makakapagbigay ng tulong sa inyo (o di kaya) ay matutulungan nila ang kanilang sarili?”
  94. (Kung magkagayon), sila ay ihahagis (sa Apoy) na una ang kanilang mukha, sila at ang Ghawun (mga demonyo at lahat ng mga nasa kamalian)
  95. At ang buong lipon ni Iblis (Satanas) nang sama-sama
  96. Sila ay magsasabi habang sila ay nagtatalo (at nagsisisihan) doon
  97. Sa (Ngalan) ni Allah, katiyakang tayo ay nasa maliwanag na kamalian
  98. Nang aming itinuring kayo (mga huwad na diyos) bilang kapantay (sa pagsamba) sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
  99. At wala ng iba pa ang naghatid sa amin sa kamalian kung hindi ang Mujrimun (si Iblis [Satanas] at mga tao na buhong, pagano, buktot, mapang-api, atbp
  100. Ngayon, kami ay walang mga tagapamagitan
  101. Gayundin ng isang malapit na kaibigan (upang kami ay tulungan)
  102. (oh!) Kung kami ay mayroon lamang na isa pang pagkakataon na makabalik (sa kalupaan), katiyakang kami ay mapapabilang sa mga sumasampalataya
  103. Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya
  104. At katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya ang tunay na Pinakamakapangya-rihan, ang Pinakamaawain
  105. Ang mga tao (pamayanan) ni Noe ay nagpasinungaling sa mga Tagapagbalita
  106. Nang ang kanilang kapatid na si Noe ay nangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya
  107. Ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo
  108. Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
  109. walang anumang gantimpala ang hinihingi ko sa inyo para rito (sa aking pagbibigay ng Mensahe ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
  110. Kaya’t panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah, pangambahan Siya at ako ay inyong sundin.”
  111. Sila ay nagsasabi: “Kami ba ay mananampalataya sa iyo, kung ang mga sumusunod lamang sa iyo ay pawang mga hamak (walang sinasabi sa lipunan)?”
  112. Siya (Noe) ay nagsabi: “At ano ba ang aking kaalaman, kung anuman ang kanilang ginagawa
  113. Ang talaan (ng kanilang gawa) ay tanging nasa aking Panginoon, kung inyo (lamang) nalalaman
  114. At hindi ko gagawin na itaboy ang mga sumasampalataya
  115. Ako ay isa lamang lantad na tagapagbabala.”
  116. Sila ay nagsasabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Noe! Katiyakang ikaw ay mapapabilang sa mga babatuhin (hanggang kamatayan).”
  117. Siya (Noe) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Katotohanan, ang aking pamayanan ay nagpasinungaling sa akin
  118. Kaya’t Kayo ang humatol sa pagitan ko at nila, at Inyong iligtas ako at ang mga sumasampalataya na kapiling ko.”
  119. At Aming iniligtas siya at ang kanyang mga kasama sa nalululanang barko
  120. At Aming nilunod ang mga naiwan (mga hindi sumasampalataya) matapos ang pagliligtas sa Al-Baqin (kay Noe at sa kanyang mga kasama na sumasampalataya)
  121. Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya
  122. At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain
  123. (Ang mga tao) ni A’ad ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita
  124. Nang ang kanilang kapatid na si Hud ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya
  125. Katotohanang ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo
  126. Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
  127. walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
  128. Kayo ba ay nagtatayo ng mga matataas na palasyo sa bawat mataas na burol, bagama’t kayo ay hindi nananahan doon
  129. At nag-aangkin ba kayo sa inyong sarili ng mga palasyo (maiinam na mga gusali), na wari bang maninirahan kayo roon sa panghabang panahon
  130. At kung kayo ay manaklot, kayo ay nananaklot bilang mga (pinunong) malulupit
  131. Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
  132. At panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya, pangambahan Siya na nagkaloob sa inyo ng lahat (ng magagandang bagay) na inyong nalalaman
  133. Kayo ay pinagkalooban Niya ng hayupan (bakahan) at mgaanak
  134. Atmgahalamananatdalisdis
  135. Katotohanan, aking pinangangambahan para sa inyo ang kaparusahan ng dakilang Araw.”
  136. Sila ay nagsabi: “walang pagkakaiba sa amin kung ikaw ay mangaral o hindi ka kabilang sa mga nangangaral
  137. Ito ay wala ng iba maliban sa mga kaugalian at paniniwala noong panahong sinauna
  138. At kami ay hindi mapaparusahan.”
  139. Kaya’t siya ay pinabulaanan nila, at Aming winasak sila. Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya
  140. At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapang-yarihan, ang Pinakamaawain
  141. (Ang mga tao) ni Thamud ay nagpabulaan sa Tagapagbalita
  142. Nang ang kanilang kapatid na si Salih ay nagbadya sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allahatsusundin Siya
  143. Akoayisangmapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo
  144. Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
  145. walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)
  146. Kayo baga ay maiiwan nang ligtas sa lugar na kinaroroonan ng inyong mga pag-aari
  147. Sa mga halamanan at dalisdis
  148. At sa mga bukirin ng mais at palmera (datiles) na may malalambot na sungot (o talulot, Eng. spadix)
  149. At kayo ay umuukit ng mga tahanan sa gilid ng kabundukan na may natatanging kaalaman
  150. Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
  151. At huwag ninyong sundin ang pag-uutos ng Almusrifun (alalaong baga, ang kanilang mga pinuno na buktot, pagano, kriminal, atbp)
  152. Na gumagawa ng mga katampalasanan sa kalupaan at tumatangging magbagong buhay.”
  153. Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga inalihan ng demonyo
  154. Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin. Kaya’t dalhin mo sa amin ang isang Tanda kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan.”
  155. Siya (Salih) ay nagsabi: “Naririto ang isang babaeng kamelyo; siya ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), at kayo ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), sa maraming beses, sa araw na itinalaga
  156. At huwag ninyong hipuin siya ng may pinsala, baka ang kaparusahan ng dakilang Araw ay sumaklot sa inyo.”
  157. Datapuwa’t kanilang pinatay siya (babaeng kamelyo), at pagkaraan sila ay nagsisi
  158. Kaya’t ang kaparusahan ay sumaklot sa kanila. Katotohanang naririto ang isang tunay na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya
  159. At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain
  160. Ang mga tao ni Lut (yaong mga nagsipanahan sa mga bayan ng Sodom at Palestina) ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita
  161. Nang ang kanilang kapatid na si Lut ay nagsabi sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya
  162. Katotohanang ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo
  163. Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
  164. wala akong hinihinging gantimpala mula sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)
  165. Nagsisitungo kayo sa mga kalalakihan ng Aalamin (sangkatauhan)
  166. At iniiwan ninyo ang mga nilikha ni Allah (mga kababaihan) para inyong maging mga asawa? Hindi, kayo ay mga taong lumagpas sa hangganan ng pagsuway (makasalanan)!”
  167. Sila ay nagsabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Lut! Katotohanang ikaw ay isa sa mapapabilang sa mga itataboy!”
  168. Siya (Lut) ay nagsabi: “Ako ay katotohanang isa sa mga tumututol nang may matinding pagkagalit at poot sa inyong (masamang) ginagawa (sodomya, pakikipagniig sa kapwa lalaki)
  169. Aking Panginoon! Inyong iligtas ako at ang aking pamilya sa kanilang ginagawa.”
  170. Kaya’t Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, silang lahat
  171. Maliban sa isang matandang babae (ang kanyang asawa) na isa sa mga nagpaiwan
  172. At pagkaraan ay Aming winasak ang mga iba pa
  173. At pinaulan Namin sa kanila ang ulan (ng pagpaparusa). At gaano kasama ang naging ulan ng mga pinaalalahanan
  174. Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya
  175. At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain
  176. Ang mga naninirahan sa Al-Aiyka (malapit sa Madyan o Midian) ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita
  177. Nang si Shu’aib ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya
  178. Ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo
  179. Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin
  180. walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)
  181. Magbigay ng tamang sukat at huwag maghangad ng kasahulan (sa mga iba)
  182. At magtimbang ng tunay at tumpak na timbang
  183. At huwag manlinlang ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanilang mga ari-arian, at huwag ding gumawa ng kasamaan, na gumagawa ng katiwalian at panloloko sa kalupaan
  184. At pangambahan Siya na lumikha sa inyo at sa mga sali’t saling lahi noong panahong sinauna.”
  185. Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga inalihan ng demonyo
  186. Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin, at katiyakan, kami ay nag-aakala na ikaw ay isa sa mga sinungaling
  187. Kaya’t hayaan ang isang bahagi (piraso) ng kalangitan ay bumagsak sa amin kung ikaw ay kabilang sa nagsasabingkatotohanan!”
  188. Siya(Shuaib) aynagsabi: “Ang aking Panginoon ang Ganap na Nakakaalam ng anumang inyong ginagawa.”
  189. Datapuwa’t kanilang pinabulaanan siya, kaya’t ang kaparusahan ng araw ng anino (isang madilim na ulap) ay sumaklot sa kanila, katiyakang ito ang kaparusahan ng dakilang Araw
  190. Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya
  191. At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangya- rihan, ang Pinakamaawain
  192. At katotohanan, ito (ang Qur’an) ay isang kapahayagan mula sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)
  193. Na ipinanaog ng mapagkakatiwalaang ruh (Espiritu, si Gabriel Arkanghel) mula (kay Allah)
  194. Sa iyong puso (o Muhammad), upang ikaw ay maging (isa) sa mga tagapag-babala
  195. Sa malinaw na wikang Arabik
  196. At katotohanan, ito (ang Qur’an at ang pagkapahayag nito kay Propeta Muhammad) ay (ipinahayag) sa mga Kasulatan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) sa mga naunang tao
  197. Hindi pa ba isang tanda sa kanila na ang mga pantas (na katulad ni Abdullah bin Salam na yumakap sa Islam) mula sa Angkan ng Israel ay nakakaalam (na ito ay katotohanan)
  198. At kung Aming inihayag ito (ang Qur’an) sa kaninuman na hindi Arabe (o Arabo)
  199. At kanyang dinalit ito sa kanila, sila ay hindi magsisipaniwala rito
  200. Kaya’t hinayaan Namin ito (ang pagtatakwil sa Qur’an) na magsipasok sa puso ng Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, atbp)
  201. Hindi sila mananampalataya rito hanggang sa kanilang makita ang masakit na Kaparusahan
  202. Ito ay daratal sa kanila sa isang iglap, sa sandaling ito ay hindi nila napag-aakala
  203. (At kung magkagayon) sila ay magsasabi: “Kami ba ay maaaring bigyan ng kaunting panahon (palugit)?”
  204. Sila ba kung gayon ay magnanais na ang Aming Kaparusahan ay madaliin sa kanila
  205. Sabihin sa Akin; kung hinayaan Namin na sila ay magpakasaya sa maraming taon
  206. At pagkatapos ay dumatal sa kanila (ang kaparusahan) na sa kanila ay ipinangako
  207. Ang lahat ng bagay na kanilang pinagpapasasaan ay hindi makakatulong sa kanila
  208. At kailanman ay hindi Namin winasak ang anumang pamayanan, maliban na sila ay binigyan ng mga tagapagbabala
  209. Sa pamamagitan ng Pagpapaala-ala, at Kami kailanman ay laging makatarungan
  210. At hindi ang mga demonyo ang nagpapanaog nito (ang Qur’an)
  211. Ito ay hindi makakatugon sa kanilang naisin, gayundin naman, sila ay hindi maaaring (makagawa nito)
  212. Katotohanan, sila ay inilipat nang malayo upang duminig dito
  213. Kaya’t huwag kayong manawagan kay Allah na may kasama pang ibang ilah (diyos), kung magkagayon, kayo ay mapapabilang sa mga tatanggap ng kaparusahan
  214. At paalalahanan mo (o Muhammad) ang iyong tribo at malalapit na kamag-anak
  215. At maging mabait at mapagpakumbaba sa mga sumasampalataya na sumusunod sa iyo
  216. At kung sila ay sumuway sa iyo, iyong ipagbadya: “Ako ay walang kaalaman sa inyong ginagawa.”
  217. At ilagak mo ang iyong pagtitiwala sa Pinakamakapangyarihan, ang Pinaka-maawain
  218. Na nakakamasid sa iyo (o Muhammad) kung ikaw ay nakatindig (na mag-isa sa pagdarasal ng Tahajjud sa gabi)
  219. At sa iyong mga kilos, sa gitna ng mga nagpapatirapa (kay Allah, na kasama ka sa pagdarasal ng mga takdang panalangin)
  220. Katotohanan! Siya, at Siya lamang ang Lubos na Nakakarinig, ang Puspos ng Kaalaman
  221. Ipapaalam Ko ba sa inyo (O mga tao) kung kanino bumababa ang mga demonyo
  222. Sila ay bumababa sa bawat sinungaling (na nagsasabi ng mga kabulaanan), at makasalanang tao
  223. Na nakikinig (sa mga demonyo at kanilang ibinubuhos kung anuman ang kanilang marinig tungkol sa nakalingid mula sa mga anghel), at karamihan sa kanila ay mga sinungaling
  224. At sa mga makata, ang mga nasa kamalian ay sumusunod sa kanila
  225. Hindi baga ninyo namamasdan na sila ay nagsasalita tungkol sa lahat ng mga bagay (na nagpupuri sa iba, maging tama man o mali) sa kanilang mga tula
  226. At sila ay nagsasabi ng bagay na hindi nila ginagawa
  227. Maliban sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah), at gumagawa ng mga kabutihan at laging may pag-aala-ala kay Allah, at sumasagot rin (nang patula) sa mga walang katarungang tula (na dinadalit ng mga paganong makata laban sa mga Muslim). At sila na gumagawa ng kamalian ay makakaalam kung anong pagbagsak ang sa kanila ay babagsak