104.The Traducer

  1. Kasumpa-sumpa (sa kaparusahan) ang bawat makakating dila na naninirang puri at yumuyurak sa talikuran
  2. Na nagsasalansan at nagtitipon ng mga kayamanan
  3. Na nagpapalagay na ang kanyang kayamanan ay makakapagpahaba ng kanyang buhay nang walang hanggan
  4. Walang pagsala! Katotohanang siya ay ihahagis sa dumudurog na Apoy
  5. At ano nga ba ang makakapagpahiwatig sa iyo kung ano ang dumudurog na Apoy
  6. Ito ang Apoy ng Poot ni Allah na Naglalagablab ang Ningas
  7. Na sasadlak sa puso (ng mga tao)
  8. Katotohanang ito ang lulukob sa kanila
  9. Sa mga haligi sa mahabang hanay (alalong baga, sila ay paparusahan sa Apoy na may mga haligi, higaan, atbp)