100.The Chargers

  1. Sa pamamagitan (ng mga kabayo) na tumatakbo na nangangapos (ang hininga)
  2. Na kumikiskis ang tilamsik ng apoy (sa kanilang mga paa)
  3. At gumagalugad sa pagsalakay sa bukang liwayway
  4. At pansamantalang nagtataas ng alikabok sa mga ulap
  5. At nagpupumilit na makapasok sa gitna (ng kaaway)
  6. Katotohanan! Ang tao (na walang pananampalataya) ay walang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang Panginoon
  7. At katotohanan na siya ay nagbibigay patotoo (sa pamamagitan ng kanyang mga gawa)
  8. At katotohanang siya ay marahas sa kanyang pagmamahal sa kayamanan
  9. Hindi baga niya batid kung ang laman ng mga libingan ay ilabas at matambad (alalaong baga, ang sangkatauhan ay muling bubuhayin)
  10. At ang lihim ng dibdib (ng mga tao) ay mabubunyag
  11. Katotohanang sa Araw na ito (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), ang kanilang Panginoon ay Lubos na Nakakaalam (sa kanilang mga gawa, at Kanyang babayaran sila ayon sa kanilang mga gawa)